Saturday, April 11, 2009

What do you want when you grow up?! (lol. i mean gusto mong work)

noong maliit ka ba iniisip mo kung anong gusto mo paglaki? malamang yeis. hahah syempre bet mo maging doctor, police, pilot, nurse, teacher.. whatevv.

lage nman eh :)) pero may iilan na sasabihing hindi,,

Naisip ko lang, kung hindi ka nangarap na maging doctor, police, pilot, nurse, teacher.. whatevv. baka nandito sa mga list na ginawa ko ang isa sa mga pinangarap mong work paglaki:

1. Artista, hmmm sa kadahilanang gusto mong iangat ang pamilya mo sa hirap. At syempre magandang strategy na sabihing Champorado ang kinakain nyo pagpasko. Tyak!madali kang makakapasok sa mga reality at singing contest tulad ng pinoy pop superstar at singing sirena ng MTB. (lol)

2. Ang magtrabaho sa pabrika ng rugby, aba.. kung nung bata ka pa lang e nakinikinita mo ng magiging adik ka, siguro isa ito sa mga choices mo

3. Tiga-bantay sa computer shop. Siguro nung mga unang panahon ay hindi pa ito talamak, pero ngayong nasa makabagong panahon na, na kahit saan ka lumingon ay may makikita kang computer shop Na may poster pa ng online games na tulad ng o2jam, ragnarok at dota.

4. Syempre naisip mo non na gusto mo maging teacher. Hindi dahil gusto mong mahubog ang mga isipan ng mga bata kundi gusto mong magbilang ng balota tuwing eleksyon.

5. Ang maging Election officer. para madagdagan ang boto ni Chavit at ni Recto. panalo! shala hahahahah!

6. Toll teller. yun nga ba ang tawag dun? Ah basta, naisip mo siguro yun. Yung tumao sa mga toll gate ng SLEX at NLEX. hindi dahil mahilig ka sa mga sasakyan kundi dahil umaasa ka na kahit isang beses sa buhay mo ay dumaan si Aga Muhlach sa toll gate na tinatauhan mo. Sa slex un malamang.

Tsk. Tsk. ayan wala akong magawa eh.
effekto nang hinde pg mmyro.

No comments:

Post a Comment