Saturday, April 11, 2009

Inferior complex.

may dalawang taong nagsabi sa akin na may inferiority complex ako. mababa daw kasi ang tingin ko sa sarili ko tapos kung minsan naman na gusto ko i-overcome ang pagka-"inferior" ko, i tend to bitch naman daw.

siguro kaya din ako extremes palagi.

aminado naman ako sa sarili ko na mababa ang tingin ko sa sarili ko. it has been one of my issues sa sarili na ina-address ko by means of pagfi-feeling na pa joke. Atleast kahit papaano eh kahit pa joke nakukuha kong i-assure ang sarili ko na may maganda sa akin.

ewan ko kung sino ang may kasalanan. kung sinong may pagkukulang. maaaring pamilya ko na constantly akong hinihingan na maging magaling kahit na alam nilang pagod na ako at sa mga panahon na nagsasabi na akong pagod na ako at umiiyak, saka lang nila ako pinapayagan na mag rest. pwede din ung ibang tao na palaging inaasahan na maging magaling ako kahit na alam nilang minsan na beyond my control na ang mga bagay eh ginugusto pa din nila na maging magaling ka para sa kanila. pwede din na ung mga highschool friends ko na palagi akong inaasar na hinahayaan ko lang na asarin ako kasi at that time eh ok lang naman sa akin ung pang-aasar nila kahit na sinasabi sa akin ng mga bestfriends ko non wag daw ako maging mashadong mabait. pwede din ung mga taong di ko kilala na noong bata ako eh grabe magbigay ng papuri na feeling ko eh may masama ng kahulugan or the likes. pwede din na ung sarili ko mismo ang nagbigay sa sarili ko ng ganitong issue... kasi ako itong pumapayag na maging inferior.

siguro kung mababaw kang tao at kilala mo ako, sasabihin mo na wala akong inferiority complex. baka pwede pang superiority complex kasi i tend to manipulate and dominate a lot of people. pero sabi nga ng isang karakter sa pelikula, inferior people tend to dominate because they want to hide their feeling of helplessness by being and appearing to be strong.

nung sinabihan ako na may inferiority complex ako. hindi sumama ang loob ko. actually, it made me feel good that at least someone recognizes my need so i can atleast understand myself kasi i know there are those people who can see beyond me.

hindi ko alam kung ano ang magagawa ko sa inferiority complex na ito. hindi naman kasi madaling gawin ung sabihin na bukas, di na mababa ang tingin ko sa sarili ko. bukas, hindi ko na iisipin na ginagago ako ng mundo. pero ewan... siguro ill just continue ung nakasanayan ko na at kinasanayan ng lahat...

ako lang ang bahalang pumuri sa sarili ko... kung pupuri man ang mundo... sana lang ang labas sa akin... hindi nila ako ginagago.


No comments:

Post a Comment