Ang isa sa pinakamasakit na mangyayari sa isang relation, eh yung ma - knoknows mo na pinagloloko ka ng jowa mo. Pinagkakatiwalaan mo siya ng buong buo yun pala wit mo alam na habang naghihintay ka ng textsung o tawag niya eh nakikipag - aurahan na pala siya sa iba. OUCH! Parang ang sarap pumatay ng tao. I admit it, galit ako sa mga taong katulad nila dahil minsan na rin akong nabiktima. Nakakatawa nga dahil sa sarili niyang katangahan ko pa siya nahuli. Hoho Ang lupet! Pero minsan natanong ko sa sarili ko, anek nga ba ang dahilan bakit may mga taong kagaya nila? Bakit nila nagagawa yun? Sa pagkakataong ito, lawakan natin ang ating isipan at subukan natin silang unuwain dahil baka naman. :) Gowwww.
• Nabobored na siya - hindi ka na siguro katulad ng dati na sweet at thoughtful. Kung before ang dialogue mo “tara hatid na kita baka anong mangyari sayo sa daan.” eh baka ngayon “magtextsung ka nalang kung nasa bahay ka na hah.” O baka naman sa 10 taon niyong pagsasama eh hindi mo pa siya nailalabas para magdate? Eh talaga namang mababagot yun at maghahanap ng iba. HAHAHAHAHAH!!!
• Di siya makuntento - aminin natin na minsan talaga hindi tayo makuntento sa kung anong meron tayo kaya naghahanap pa tayo ng “MAS”, mas mabyonda, mas sexy, mas rich o kaya mas malambing, mas masarap, mas magaling. Kung ganun malamang ngang maghahanap at maghahanap yun ng ibang tutugon sa pagkukulang ng isa. Hala puta! :)))
• Mahina siya sa tukso - may mga tao talagang mahina sa tukso. Kahit hinde nila bet gawin, waley silang palag dahil palay na mismo ang lumalapit. Tao lang akes!, yun ang lagi nilang dahilan. Hinde hinde. Talagang makati ka lang! :)
• Hindi siya makapili kung sino talaga ang mahal niya - minsan magugulat na lang tayis paggising natin sa umaga marerealize natin na unti unti na pala tayong nahuhulog sa ibang taong madalas nating kausap o kasama. Tapos magiisip tayo ng magiisip kung sino ba talaga ang mahal natin pero dahil sa hindi tayo makapali, ang tanging paraan ay ang pagsabayin sila. LOL sana dalawa puso mo?!
• Naghahanap ng atensiyon - baka naman wala ka nang oras sa kaniya. Puro nalang pagdodota, pagbabanda o pagaaral ang inaatupag mes or kung anek man yan! Baka hindi mo narin napapansin ang bagong niyang rebonded na buhok at facial na fez kaya naghanap ng ibang taong magbibigay ng mas maraming atensiyon. Ay ay! Wala ba pumapansin sa iyo sa bahay niyo? HAHAHA.
• Nagsasawa na siya - ang mga tao mabilis magsawa, maumay, gusto laging bago. Ganun tologo tayong mga tao eh, walang permanenteng kasiyahan. Kaya nga hindi tayo nagiging lubusang masaya dahil hindi tayo marunong makuntento.
• Gustong maghiganti - eto yung mga taong nabiktima na rin ng mga salawahan at bet nila maghiganti. Ganito ang kadalasan nilang sinasabi, “May babae ang jowa ko kaya manlalalaki rin ako para maramdaman rin niya kung ano ang nararamdaman ko, para daw fair HAHAHAH. Bakit siya lang ba may karapatang manloko?!?” Weh! Magbreak nalang kayo kesa nag - lolokohan kayo. Jusme. :DDD
• Bet lang magmayabang at patunayang malakas ang appeal niya - mas maraming JOWA, mas malakas daw ang dating. Minsan bet lang din nilang magmayabang sa tropa na marami siyang girlfriend/boyfriend dahil gwapo/maganda siya. EH DI IKAW NA! :))) HAHAH Rofl.
• Gusto niya ng may reserba - marami sa atin takot masaktan at maiwanang mag-isa kaya para maiwasan yun, minsan naghahanap tayo ng pang reserba. “Atleast sigurado kang may magsasalo sa iyo kung saka sakali mang iwanan ka ng isa.” - Yan ang kadalasan nilang sinasabi. Ulul! =))) Selfish yan kapag ganyan. Bet lahat saknya attention.
• Sadyang likas na sa kaniya ang maging babaero/lalakero - wala tayes magagawa kung sadyang ganiyan ang JOWA mes, makati pa sa higad, dahil kahit anong gawin mo, mangbababae at manglalalaki yang jowa mo dahil ipinanganak na siyang ganiyan. At hindi malayong mangyari na mamatay na rin siyang ganiyan. Naku wag naman sana! HAHAHAHAHAH. Shit men shit.
Sa ngayon yan palang ang naiisip kong maaring maging dahilan. Kung may iba pa, yun ay wiz ko na alam. Kaya sa mga taong naging biktima ng pagtataksil isipin din natin na baka tayo ang may pagkukulang. Para naman sa mga “two timer”, minsan sana wag maging manhid, isipin niyo rin na sa gagawin mong yan, may taong masasaktan. Hindi ba’t masakit kung sa iyo gagawin yan ng taong mahal mo? Mabilis ang karma at ang masaklap dumarating yan sa pagkakataong hindi mo inaasahan. At kapag tinamaan ka ng karma, triple ang balik niyan sayo, MANIWALA KA! HAHAH karma baby. :))) hell to the yeah. :>
XOXO♥ Eliz
No comments:
Post a Comment